7 Talata sa Bibliya tungkol sa Paghihiwalay sa mga Kamag-anak
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:
At sinabi sa kaniya, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.
Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin. Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo, at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan.
At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya, Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan, ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, ni ang iyong mga kapatid, ni ang iyong mga kamaganak, ni ang mayayamang kapitbahay; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan, at gantihan ka.
At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay.
Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio,
At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios,
Mga Katulad na Paksa
- Abraham
- Ama at ang Kanyang Anak na Babae
- Hindi Sumusuko
- Ina at Anak na Lalake
- Ina, Pagibig sa Kanyang mga Anak
- Ina, Tungkulin ng mga
- Iwan ang Magulang para sa Asawa
- Mabuting Pagbabalik
- Magkapatid
- Magkapatid, Pagibig ng
- Mga Bagay ng Diyos, Nahahayag na
- Naglalakbay
- Namumuhay sa mga Kabahayan
- Paghiwalay sa mga Magulang
- Pagkawala ng Kaibigan
- Pagkawala ng mga Kaibigan
- Pagsasaayos ng mga Bayarin
- Pamilya at mga Kaibigan